Ang tuberkulosis ay isang mapanganib na nakakahawang sakit. Ayon sa communicable disease act, ang paggagamot para sa TB at mga pagsusuri para dito, kapag pinaghihinalaang may TB ay libre sa pasyente sa Finland.
FAQ Category: Paggagamot para sa sakit na TB
Treatment for TB disease tagalog
Paano ginagamot ang sakit na TB?
Ang sakit na TB ay palaging ginagamot sa simula gamit ang kumbinasyon ng apat na gamot. Ang mga pangunahing gamot sa TB ay rifampicin, isoniazid, pyrazinamide, ethambutol at streptomycin. Ang huli ay isang antibayotiko na itinuturok sa kalamanan. Ang nga dosis ng gamot ay inireseta ayon sa timbang ng pasyente. Ang gamot sa TB ay dapat regular na inumin araw-araw habang walang laman ang tiyan. Hindi ito laging madali. Kaya naman, sa Finland, naroon ang isang kwalipikadong manggagawa upang suportahan ang pasyente kapag umiinom ng gamot. Kasabay nito, tinitiyak ng manggagawa na nilunok ng pasyente ang bawat gamot ayon sa dosis at inoobserbahan ang posibleng masamang epekto ng gamot. Ang bawat taong nagkaroon ng sakit ng TB ay may karapatan sa paggagamot na inoobserbahan. Kung ihinto ng isang pasyente ang paggagamot sa sariling pasya o huminto sa pag-inom ng ilang gamot paminsan-minsan, maaari itong humantong sa pagbuo ng isang strain o klase ng TB na lumalaban sa gamot sa TB.
Ang paggagamot sa ordinaryong TB na senstitibo sa mga pangunahing gamot sa TB ay tumatagal ng hindi bababa sa anim na buwan. Ang paggamot ay maaaring mas matagal kung ang sakit ay malubha. Sa mga normal na kaso, apat na gamot ang ginagamit sa unang dalawang buwan pagkatapos ay dalawang gamot naman.