Walang panganib na mahawaan ng tuberkulosis (TB) sa kaswal, maikli at iisang paglalakbay, halimbawa sa bus o tren.
Mas malaki ang panganib kung paulit-ulit kang naglalakbay sa parehong bus o tren kasama ang taong may sakit na TB. Kung ikaw ay lilipad at may isang tao sa parehong flight na may sakit na TB, ang mga tao sa mga flight na tumatagal ng walong oras (8) o mas mahaba ay nasa mas malaking panganib kaysa sa mga tao sa mas maikling flight. Ang pinakamalaking panganib ay ang mga nakaupo malapit sa taong may TB (dalawang hanay sa harap at sa likod). Maaaring alamin ng mga awtoridad na namamahala sa mga nakakahawang sakit kung sino ang mga taong ito at makipagugnayan sa kanila.