Ito ay nakasalalay sa edad ng tao, sa kanyang immune system o resistensya ng katawan at sa proteksyon galing sa bakuna, para sa maliliit na bata. Ang mga batang wala pang limang taong gulang na hindi nakatanggap ng bakuna na BCG, ay maaaring magkasakit nang mabilis (kahit isang buwan pagkatapos nilang mahawaan ng TB bakterya).
Ang mga nasa hustong gulang na ang immune system o resistensya ng katawan ay normal ay maaaring magkaroon ng mga sintomas sa loob ng anim hanggang labindalawang (6-12) buwan pagkatapos mahawaan ng TB, ngunit maaari ding tumagal ng ilang dekada. Ang bakterya ng TB ay maaaring hindi aktibo (natutulog) sa kanilang katawan (latent TB infection) at ang pagkahawa ay maaaring maging sakit na TB sa kalaunan kapag ang kanilang immune system o resistensya ng katawan ay humina dahil sa pagtanda, sa mga sakit o sa gamot.