Dapat ka bang matakot na magkaroon ng TB? Masasabi natin sa karamihan ng mga taong naninirahan sa Finland: marahil ay hindi mo kailangang mag-alala. Ang TB ay isang bihirang sakit sa Findland. Karamihan sa mga tao ay hindi kailangang mag-alala tungkol dito.
Ang mga taong nakipag-ugnayan ng matagal sa isang taong may TB sa baga ay nasa pinakamataas na panganib na mahawaan ng TB. Kasama sa grupong ito halimbawa ang mga nakatira sa parehong sambahayan.
Gayundin ang iba pang mga kadahilanan ay nakakaapekto sa panganib, halimbawa:
- Matagal ka bang nanirahan sa isang bansa kung saan karaniwan ang TB?
- Karaniwan ba ang TB sa iyong bansang pinagmulan?
- Tumira ka ba sa lugar na masikip at napakaraming tao?
- Ano ang kalagayan ng iyong kalusugan at resistensiya ng katawan?
Sa seksyong ito, makakahanap ka ng impormasyon tungkol sa mga grupo na may panganib sa tuberkulosis.