Pagbubuntis

Ang mga kaso ng tuberculosis sa panahon ng pagbubuntis o pagkatapos ng panganganak ay bihira sa Finland, salamat sa mabuting sitwasyon ng TB sa Finland. Ang panganib na makaranas ng sakit na TB ay mas mataas sa mga ina na ipinanganak sa mga bansa kung saan karaniwan ang TB o matagal na nakatira o paulit-ulit na pumupunta sa gayong mga bansa. Ang mga buntis at bagong ina na na-expose sa TB sa Finland ay nasa mas mataas na panganib din. Kung alam mong matagal kang nakisalamuha sa isang taong may TB o na-expose ka sa TB sa iyong pinagtratrabahuhan, sabihin ito sa maternity klinik.  I assess o titingnan nila ang iyong kalagayan at, kung kinakailangan, ay magsasagawa ng mga pagsusuri sa TB.

Magbasa nang higit pa sa Mga tagubilin ni Filha sa mga umaasang ina (pdf).