Ang tuberkulosis ay isang nakakahawang sakit. Ito ay dulot ng bakteryang Mycobacterium tuberculosis. Ang tuberkulosis ay kumakalat mula sa isang tao patungo sa isa pa sa pamamagitan ng hangin. Ang karaniwang parte na naapektuhan ng tuberkulosis ay ang baga, kung saan ang bakterya ay dumadami at nagdudulot ng pamamaga. Ang bakterya ay maaaring kumalat sa ibang parte ng katawan sa pamamagitan ng dugo o sa lymphatic system. Samakatwid, maaring maapektuhan ng TB ang mga kulane, buto, daanan ng ihi, ari, utak, balat, o maging kalat na impeksyon. Ang tuberkulosis ay nagagamot. Ang mga pagsusuri at paggamot sa TB ay libre para sa pasyente.
Ang TB ay karaniwang nakikita sa Asya, Africa, timog America at gitnang America at marami pang parte ng mundo. Taun-taon, humigit-kumulang sa sampung milyong katao ang nagkakasakit ng TB at isa’t kalahating milyon naman ang namamatay dahil dito Masikip na tirahan, malnutrisyon, ang epidemya ng HIV at hindi mabuting pangangalaga sa kalusugan ay nag papalala ng pagkalat ng sakit. Kumakalat din ang TB sa mga bansa kung saan ang imprastraktura ay naapektuhan ng mga sakuna, digmaan at mga kaguluhang panlipunan.
Sa Finland, ang TB ay isang pampublikong suliranin pangkalusugan nung dekada 1930’s. Noong panahong iyon, isang taga Finland and namamatay sa tuberkulosis bawat oras. Sa ngayon, wala pang 250 na bagong kaso ng TB ang nadadayagnos sa Finland taun-taon. Humigit-kumulang kalahati ng mga apektado ay yung mga napanganak sa ibang bansa Ang pangunahing grupong may mataas na panganib sa TB sa Finland ay mga matatandang napanganak bago 1950, mga imigrante galing sa mga bansa kung saan laganap ang TB at mga taong may problema sa pag-abuso ng bawal na gamot. Ang TB ay nananatiling isang sakit na dapat seryosohin.