Ang tuberkulosis ng baga ay maaring matuklasan sa pamamagitan ng xray ng baga at pagsusuri ng plema.
Ang TB ng baga ay karaniwang natutuklasan sa xray ng baga. Ang pagsusuring ito ay ligtas. Dapat sabihin ng mga babaeng buntis sa nars o doktor ang tungkol sa kanilang kalagayan bago gawin ang xray ng baga. Magbasa pa tungkol sa diagnosis ng TB habang buntis dito. [pregnancy].
Ang pasyente ay kokoletahan din ng plema para sa pagsusuri ng TB. Ang sampol ng plema ay laging sinusuri para sa pagkakaroon ng bakterya ng TB gamit ang mikroskopyo (smear microscopy), pagpapatubo ng bakterya ng TB (o culture) at nucleic acid hybridization test. Ang resulta ng pagsusuri ng plema gamit ang mikroscopyo at nucleic acid hybridization test ay makukuha pagkatapos ng ilang araw ng trabaho.
Ang panganib ng pagpasa ay mataas kung ang bakterya (acid fast bacilli) ay makikita sa pahid ng plema (sputum smear). Ang nucleic acid hybridization test ay nagbibigay din ng mabilis na impormasyon tungkol sa pagiging sensitibo ng bakterya ng TB sa gamot na rifampicin. Ang pagpapatubo ng bakterya ng TB (TBculture) ay ginagamit upang kumpirmahin na ang bakteryang natuklasan ay siya ngang nagdudulot ng TB. Ang resulta ng pagpapatubo ng bakterya ng TB (TB culture) ay karaniwang nakukuha sa loob ng dalawa hanggang walong linggo. Ang strain ng TB ay laging sinusuri para sa pagiging sensitibo sa gamot at ginagawan ng genotyping.