Pagbabakuna laban sa TB

Pagbabakuna laban sa TB BCG

Pinoprotektahan ng bakuna sa TB ang mga sanggol at maliliit na bata mula sa mga seryosong uri ng sakit na TB.

Ang bakuna na BCG (na nangangahulugang Bacillus Calmette Guerin) ay naglalaman ng buhay ngunit pinahinang  Bacillus Calmette-Guerin na bakterya. Ang bakuna ay hindi nag proprotekta laban sa pagkahawa ngunit pinipigilan ang malubhang sakit. Ang mga sanggol at maliliit na bata ay madaling kapitan ng sakit na TB. Ang BCG na bakuna ay inilaan upang maprotektahan ang mga sanggol at maliliit na bata laban sa mga malubhang uri ng sakit na TB, tulad ng TB sa utak (TB meningitis) at TB ng buong katawan (generalized TB).

Ang bisa ng proteksiyon ng bakuna laban sa sakit na TB ng baga ay nag-iiba sa iba’t ibang pag-aaral. Bumababa ang proteksyon sa pag lipas ng panahon, ngunit maaaring tumagal ng ilang dekada ang bahagyang proteksyon.

Dati, ang BCG vaccine ay ibinigay sa lahat ng bata sa Finland. Mula noong 2006, ang bakuna sa BCG ay ibinibigay na lamang sa mga bata na itinuturing na nasa mas mataas ang panganib ng pagkahawa at sakit ng TB. Hindi na ibinibigay ang bakuna sa lahat ng bata dahil sa pag baba ng mga kaso ng TB sa Finland.

Ang bakuna ay karaniwang ibinigay sa mga bagong silang. Ang mga batang higit sa 7 taong gulang ay hindi binabakunahan. Ang pangangailangan para sa pag babakuna ay tinutukoy ng isang doktor. Ang pagbabakuna sa TB ay ibinigay nang libre.

Ang pagbabakuna ng BCG ay inirerekomenda para sa mga bata:

  • Na nakatira kasama ng isang miyembro ng pamilya o ibang tao na nagkaroon na ng sakit na TB
  • Na ipinanganak sa isang bansa kung saan karaniwan ang TB o nakatira kasama ng isang miyembro ng pamilya o taong ipinanganak sa isang bansa kung saan karaniwan ang TB.
  • Na sa loob ng isang taon ay lilipat sa isang bansa kung saan karaniwan ang TB at manatili doon ng mahigit sa isang buwan.

Ang pag babakuna ng BCG ay inirerekomenda din kung ang bata ay regular at malapit na makipag-ugnayan sa isang tao:

  • na nagmula sa isang bansa kung saan karaniwan ang TB
  • na may sakit na TB
  • na itinuturing na nasa panganib para sa sakit na TB

Ang pagbabakuna ng BCG na natanggap sa pag kabata ay hindi mag poprotekta sa tao kapag siya ay tumanda.

Magbasa nang higit pa tungkol sa pagbabakuna ng BCG sa website ng
Finnish National Institute for Health and Welfare (sa wikang Ingles).

Ang mas bago, mas ligtas at mas mahusay na mga bakuna laban sa TB ay binubuo sa buong daigdig.