Paggagamot

Paggamot sa tuberkulosis

Ang TB ay ginagamot ng mga antibiotic

Ang paggagamot sa TB ay laging ginagawa  gamit ang kombinasyon ng ilang iba’t-ibang gamot. Ang paggagamot sa TB ay tumatagal ng hindi bababa sa anim na buwan. Maari itong mas tumagal kung malubha ang sakit na TB. Ang panganib ng pagpasa ay kadalasang nababawasan ng mabilis kapag nagsimula na ang paggagamot.

Mahalagang sundin nang maingat ang mga tagubilin upang gumaling. Dapat inumin ang gamot ng regular. Kung ang isang taong may TB ay huminto sa pag-inom ng gamot ng masyadong maaga, maari silang magkasakit ulit. Kung ang lahat ng gamot ay hindi iinumin ng tama, ang bakterya ng TB ay magkakaroon ng resistensya o lalaban sa mga gamot. Dahil dito, magiging mas mahirap gamutin ang sakit.

Kung ang pasyente ay may TB na may resistensya o lumalaban sa gamot (drug-resistant TB), ang paggagamot ay sinisimulan sa hindi bababa sa lima o anim na gamot. Ang paggagamot ng TB na may resistensya sa gamot (drug-resistant TB) ay karaniwang tumatagal ng dalawang taon.

Kung ang tao ay nakakahawa, siya ay gagamutin sa loob ng isang espesyal na kuwarto sa ospital na nakahiwalay (isolation room). Ang paghihiwalay (isolation) ay pumipigil sa pagkalat ng TB sa ibang mga pasyente at kawani sa ospital. Sa dahilang ito, ang pasyente ay mag-isa sa kuwarto at ang paggalaw sa loob ng pasilidad ay pinaghihigpitan. Magbasa pa tungkol sa paghihiwalay dito. [isolation]