Pagkahawa

Ang paghahatid ng tuberculosis ay nangyayari sa pamamagitan ng hangin

Ang tuberkulosis ay kumakalat mula sa isang tao patungo sa iba sa pamamagitan ng hangin. Sa kabutihang-palad, hindi madaling maipasa ang tuberkulosis. Ang wastong paggagamot ay nakaka bawas ng pagpasa sa ibang tao.

Ang bakterya ng tuberkulosis ay kumakalat sa hangin kung ang isang taong may aktibong sakit na TB ng baga o lalamunan ay nagsasalita, kumakanta, umuubo o bumabahing. Ang taong nakatira sa parehong kapaligiran, halimbawa sa isang kuwarto, ay maaring makakuha ng bakterya sa kanilang baga mula sa hanging nalanghap nila at mahawaan.

Ang tuberkulosis ay hindi madaling maipasa. Ang mga ka-pamilya na magkasama sa tirahan ang may pinakamataas ng panganib. Ang panganib ng pagpasa ay lubhang mababa sa kaswal na pakikisalamuha Isang ikatlo lamang ng mga na-expose ang nahahawaan. Magbasa ng karagdagang impormasyon tungkol sa panganib ng pagkahawa dito.

Ang TB ay hindi maaaring maipasa sa pamamagitan ng mga pinggan, inumin, pagkain, damit o mga ibabaw ng mga kagamitan.

Ang panganib ng pagpasa ng tuberkulosis ay maaring mabawasan: Ang isang taong may sakit ay dapat magpatingin agad sa doktor. Dapat nilang sundin ng maingat ang mga tagubilin tungkol sa paggagamot. Ang pag-aaral ng ligtas na pamamaraan ng pag-ubo ay makakahadlang sa pagkalat ng bakterya sa hangin. Ang regular na bentilasyon ay mabisang makakabawas sa dami ng bakterya sa hangin sa loob ng bahay. Sa labas, halos walang panganib ng pagkalat.