Pagkahawa sa TB at sakit na TB

Pagkahawa sa TB at sakit na TB

Hindi lahat ng tao ay nagkakasakit, kahit na sila ay makisalamuha sa isang taong merong nakakahawang tuberkulosis.

Ang tuberkulosis ay hindi madaling maipasa. Isang ikatlo lamang ng mga taong may malapitang pakikisalamuha sa taong may nakakahawang TB ang nahahawaan.

Hindi lahat ng nahawaan ay magkakaroon ng sakit na TB.

Ang karamihan, siyam sa bawat sampu, ng mga taong nahawaan ay hindi nagkakaroon ng sakit na TB. Ang bakterya ng TB ay maaring matulog sa kanilang  katawan  (tinatawag na latent TB infection o LTBI). Wala silang sintomas, hindi sila nakakahawa at hindi nila maikalat ang bakterya sa ibang tao.

Gayunpaman, kung ang bakterya ng TB ay maging aktibo sa katawan at magumpisang dumami, ang pagkahawa sa TB ay magiging sakit na TB.

Sa kasong ito, ang tao ay may sakit at maaring maikalat ang sakit sa mga taong nakisalamuha ng matagal sa kanya.

Isa lamang sa sampung malulusog na taong nasa hustong gulang na nahawaan ng TB ang magkakaroon ng sakit na TB. Halos kalahati sa kanila ang magkakaroon ng mga sintomas sa loob ng dalawang taon simula ng pagkahawa. Ang kalahati naman ay magkakaroon ng sakit na TB sa mas matagal na panahon.

Ang maliliit na mga bata, mga matatanda at yung mga taong mahina ang immune system (resistensiya ng kawawan) dahil sa sakit o gamot ay may dagdag na panganib na magkaroon ng sakit na TB.

 

100/30 LTBI/ 3 develop TB disease
100/30 LTBI/ 3 magkaroon ng sakit na TB