Sintomas ng TB

Sintomas ng TB

Iba-iba ang mga sintomas ng TB.

Ang pinaka-karaniwang sintomas ng TB ay ang ubo na tumatagal ng mahigit sa tatlong linggo at pag-ubo ng plema (plema na galing sa baga). Ang taong may sakit ay maaring magkaroon ng lagnat, bumaba ang timbang, at pawisan ng sobra sa gabi. Ang tao ay maaaring makaramdam ng pagkapagod at mawalan ng gana sa pagkain. Maaaring may iba pang sintomas, depende sa kung aling bahagi ng katawan ang apektado.

Mabagal ang pag-develop ng sintomas ng TB. Sa simula ang mga sintomas ay kadalasang banayad at hindi malinaw. Maaring walang anumang sintomas ang tao. Gayunpaman, maaring mabilis na lumubha ang sakit sa mga maliliit na bata.

Ang mga sintomas na ito ay maaari ring maging tanda ng iba pang mga sakit. Maaaring gamitin ang mga pagsusuri upang matukoy kung ang mga ito ay sanhi ng TB. Ang taong may isa or mahigit pa sa mga sintomas na ito ay dapat sumangguni sa doktor.