Kung mayroon kang sakit na TB sa baga, maaari itong maikalat sa iba. Dahil dito, sa umpisa ay gagamutin ka sa isang hiwalay na silid o isolation room sa ospital. Ang sistema ng bentilasyon ng silid ay hiwalay sa iba pang bahagi ng ward. Ang presyon sa silid ay gagawing negatibo (negative pressure room) upang pigilan ang pag kalat ng sakit sa ibang mga pasyente at kawani sa ospital.
Kung ang bakterya ng TB ay nakita sa mikroskopikong pag susuri ng plema, o ang x-ray ng baga ay nagpapakita ng mga butas o ‘cavity formation’, ang iyong paggagamot ay magpapatuloy sa isang negative pressure room. Kung ang bakterya ng TB ay hindi nakikita sa mikroskopikong pag susuri ng plema at ang x-ray ng baga ay hindi nagpapakita ng “cavity formation”, maaaring ipag patuloy ang isolation sa isang regular na kwarto ng pasyente.
Ang mabisang paggagamot ay kadalasang nag-aalis ng panganib na makapag-pasa ng TB sa loob ng ilang linggo, ngunit kung minsan ay mas tumatagal ito. Ang desisyon na ihinto ang paghihiwalay ay ginagawa ng iyong doktor, depende sa iyong sitwasyon.
Sa panahon na ikaw ay nakahiwalay sa isang solong kwarto, hindi ka maaaring lumabas ng kwarto ng walang pahintulot. Ang kwarto ay may banyo at paliguan, telepono at TV. Ang mga pagkain at gamot ay dinadala sa kwarto. Maaari ka ring mag dala ng ilang personal na gamit tulad ng mga magazine at mga libro o laptop sa iyong kwarto.
Ang mga tauhan na nag-aalaaga sa iyo ay mag susuot ng mga respirator. Maaaring bisitahin ka ng mga taong nasa tamang gulang na malusog, ngunit kailangan nilang sundin ang mga tagubiling ibinigay ng mga kawaning pangkalusugan o health care personnel at mag suot ng respirator. Maikling pag bisita lamang ang inirekomenda sa simula ng paggagamot. Kung posible, maaari kang makipag ugnayan sa pamilya at mga kaibigan sa pamamagitan ng telepono o internet.
Ang mga batang wala pang limang (5) taong gulang at iyong mga nasa hustong gulang na may mahinang immune system (o resistensya ng katawan) ay hindi maaaring bumisita sa iyo sa panahon na ikaw ay nakahiwalay. Kung mayroon kang TB na lumalaban sa gamot (drug resistant TB), hindi pinapayagan ang mga bisitang wala pang labing anim (16) na taong gulang.
May karapatan kang makatanggap ng sickness allowance dahil sa isang nakakahawang sakit para sa pagkawala ng mga kita sa panahon ng ipagkahiwalay kung
- sakop ka sa ilalim ng Finnish National Health Insurance Scheme at
- nag trabaho nang regular o paminsan-minsan.
Ikaw o ang iyong pinaglilingkuran ay maaaring mag-aplay para dito mula sa Kela kasama ang medical certificate na pinirmahan ng doktor na responsable para sa mga nakakahawang sakit.
Ang pag-ubo ay maaring magkalat ng bakterya ng TB sa hangin. Kapag ikaw ay umubo, takpan ng mahipit ang iyong bibig at ilong ng isang disposable tissue. Ilagay ang tissue sa basurahan pagkatapos gamitin. Kung kailangan mong lumabas ng kwarto sa panahon na nakahiwalay ka, magsuot ng face mask at umubo ng mahigpit sa iyong itaas na braso. Makakatulong ito na mawaisan ang pag kalat ng bakterya.